Lunes, Abril 7, 2014

Beware-ModusOperandi sa Pagwithdraw sa IsetannRecto

Triple black eye kahapon. SL na pinilt  ko na nga lang  tumayo para makakuha  ng medical  certificate .Hindi ko na  nga nakuha dahil 530 na ako nakapunta sa Chinese General Hospital ay namodus pa pagwithdraw ko.Buti na lang nagkape ako kahapon kung di malamang dedo na ako.Magingat sa pagwithdraw lalo na dyan sa loob ng Isetann Recto.Palabas na ako ng mall pagkatapos kong makabili ng  piyesa ng PC at makadalawang games sa Toms World .

Sakay ako ng  escalator at  papalabas ng mall nang may mapansin akong sunod ng sunod  na  babae at mukha naman matino. Nakikiusap na yung kuya nya daw nasaksak kailangan ng pera at nasa hospital.Pinilit ko syang dedmahin pero talagang agresibo pilit akong sinasabayan o minsan ay pumupwesto sya sa unahan ng escalator sa tuwing baba ng palapag.May malaking problema lang daw sya.Pagdating sa Ground Floor ay pilit syang dumidikit sa akin,sinabihan ko sya na miss pasensya  pambibili ko kasi ng gatas ng anak ko ang pera ko.Paglabas kong mall at naglalakad para makapanhik  sa bridge ng LR2 & LRT1 papunta sa D. Jose Station .May dumating at humarang  na bruskong lalaki may hawak na balisong .Sinigawan yung babaeng sunod na sunod sa akin at di ko namalayan na pati pala sa labas ay sumunod sa akin.Ang landi daw nya at sino na naman ang kasama mo.Mabilis lang eksena ,nalito ako ano nangyayari at ako na ang biglang pinagbuntungan kuno ng galit.Minura ako at tinakot na taga Quiapo lang daw sya.Tinutukan agad ako ng 29  sa tagiliran at di ko na nagawang kumilos may mga  kasama din.Dinala ako sa madilim na iskinita bago dumating sa Avenida doon tinakot ako at may nakaabang na sa kanto yung kasama in case siguro tumakbo ako.Bigyan ko daw sya ng pera bayad sa atraso ko .Kasama ko daw at bayad sa pagkausap sa asawa nya na di ko naman kilala.Di na ako sumagot dahil alam kong holdap na to at mapapahamak lang ako ng lalo.Binigay ko na  yung 900 pesos  pero sinabi nya ibigay ko na lahat para maaayos na at makaalis na sila.Binigay ko na rin yung natirang 1000 sa secret pocket sa tingin ko pagwithdraw ko pa lang ay alam na nila na di lang yun ang lumabas sa ATM. Sabay sila tumakbo at pinagmasdan na lang na mawala yung lalaki at babaeng kasabwat nila..Nang naglaho sila sa paningin ko ay relieve ako dahil alam ko ligtas na ako.Nagpablotter na lang ako sa Management ng Isetann Recto pero di na ako pumunta Sa Plaza Miranda Police  Station dahil 730pm na at baka may mga sumusunod na kasamahan. Sa inyo na yung 1,900.00 ko .Namukhaan ko naman kayo at makakarma rin kayo balang araw.Salamat na lang at ligtas ako.


0 Mga Komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home